Monday, March 29, 2010

A letter from Ressurreccion


A Letter Sender By the name - Ressurreccion


Dearest Danny,

Matagal na kitang hinahanap kase alam kong matutulungan mo ako sa mga problema ko. Nagpunta ako sa Pan Pacific Hotel pero di kita nakita doon, mabuti na lang may internet nakuha ko ang email address mo at bagong cellphone number.
Pasensya ka na kung sa internet ako humingi ng tulong sa yo kase wala pa akong pambayad ngayon pero di bale babawi na lang ako sa yo pag nakaluwag na, maraming salamat in advance.
Name: Resurreccion C. Villaverde (ang ginagamit kong full name)
Claudia Resurecsion C. Villaverde (nasa birth certificate's name ko)
Nickname: cherry
Age: 45 years old
Birthday: June 06, 1964
Animal Sign: Dragon
Specific Question: May makukuha ba akong puhunan para sa pa order kong cigarette for export? Matutuloy ba etong project kong eto? Please, pakibigyan ako ng maaaring mangyari sa akin ngayong 2010, thank you so much at hihintayin ko ang sagot mo.

Sincerely,
Resurreccion C. Villaverde

Dear Ressurreccion
,
Question : Makakakuha ba ako ng puhunan? Sagot ; Yes , makakakuha ka at matutuloy ang project na ito. Ito ang tamang panahon upang isulong mo ang iyong balak sa negosyong may kinalaman sa export.Taon ng mga dragon ngayon .may roon kang stamina, lakas ng loob o tapang at persistence.

Heto naman ang mga mangyayari sa iyo sa taong ito;

1.) 3 pintuan ng opportunities ang magbubukas sa 2010- 1.) May iba ka pang pagkakakitaan ( may kinalaman sa networking) 2.) Door for traveling is open. 3.) Third eye mas bubukas kaya mas tatalas ang iyong pakiramdam

2.)Ang mga warnings ko sa iyo ay ang mga sumusunod; Ingat sa mga taong pikit ng pikit at di makatingin ng derecho, iwas ka sa mga mataong lugar, mag-ingat din sa mga swindler,racketeers at magnanakaw, ingat din sa pollution 9air, water, food, maghanda ng emergency kits

3.)If you are asking for a loan, it will be granted at mababayaran mo ito.
4.) Dadami ang iyong " connections" at may foreigners akong nakikita na tutulong sa iyo.
5.)May desisyon kang gagawin may kinalaman sa real estate.
6.) Iwasan mo ang 3 pagkain: Hamburger, French Fries , Hot dogs .
7.) May kakausapin kang mga sub-contractors. Maganda naman ang resulta ng usapan.

Respectfully .
Danny

No comments: