Thursday, August 27, 2009

Psychic Press con at Dulcinea, Q.C.

Blog EntryPsychic Press Con at Dulcinea, Q.C.Aug 14, '09 4:27 PM
for everyone

Press : Bakit mo sinabing malas ang magiging pangulo na nagmula sa senado?

Danny : Mismong ang kasaysayan ang magpapatunay sa aking pangitain na lalong mamalasin ang ating bansa kapag senador na muli ang magiging pangulo ng Pilipinas. Panahon ni Marcos na naging senador- malas. Panahon ni Tita Cory, isang karaniwang housewife, buwenas, maganda. Panahon ni Pangulong Ramos na Engineer at General, okay din. Panahon ni Erap na naging Senador, siguro naman alam na ninyo nangyari, malas. At panahon ni Ate Glo, na dating Senador, malas pa rin. Maraming diskontento, maraming anomalya raw, at maraming kumakalaban sa gobyerno.

Press : Mayroong anim na senador na nag aambisyong maging pangulo, sina Gordon, Escudero, Loren, Jamby, Villar, at Roxas. Sino sa kanilang anim ang pinakamalas?

Danny : Huwag natin ismolin ang bawat isa sa kanila, dahil mayroon silang kanya-kanyang pwersa. Ngunit mga dalawa lamang sa kanila ang may pag asang manalo. Kung sino hindi ko pa masasabi sa ngayon, kaya lang, may dalang kamalasan ang kanilang bilang na anim, dahil ang anim o six ay sa demonyo. Ito po ang lalong nakakatakot.

Press : Lalaki po ba o babae ang susunod na Presidente ng ating bansa?

Danny: Matatagalan pa bago uli magkaroon ng babaeng presidente

Press :Dahil ang six ay bilang ng demonyo, at anim na senador ang nag aambisyon maging pangulo, ang ibig mong sabihin, pagpapalain sila ng demonyo?

Danny : Ikaw ang may sabi nyan. No comment.

Press : Matatapos ba ni GMA ang kanyang panunungkulan?

Danny: Oo naman.

Press : Kung lalaki ang magiging susunod na Pangulo, pagkatapos ni PGMA, sino siya?

Danny : Malakas ang aking vibrations na ang susunod na pangulo ay manggagaling sa Luzon. Ngunit sa ngayon ay hindi pa kita deretsong masasagot.

Press : Ano ang masasabi mo sa mga kandidato sa pagkapangulo na walang matatag na partido o kaya ay isang independent ?

Danny : Nagsasayang lamang sila ng panahon. Sipag , kakayahan at katapatan ng isang kandidato ang magpapanalo sa kanya, nguni't ang pinakamahal sa lahat ay organisasyon. Dapat mayroon siyang organisasyon mula Batanes sa Norte hanggang sa Tawi-Tawi sa Sur.

Press : Sang -ayon sa iyong vibrations , sino ang nangungunang 3 o top three sa mga gustong maging pangulo?

Danny : Sorry , kapatid, Di kita sasagutin. Kasi pag nag banggit ako ng mga pangalan, gagamitin lamang ito sa publicity . Basta ang masasabi ko, hindi lahat ng nangunguna sa survey ay sure winner. Sa eleksyon sa Amerika after WW ll , lamang si Dewey sa lahat ng survey , pero ang nanalo ay si Harry Truman .

Press : Matahimik ba o magulo ang eleksyon sa 2010 ?

Danny : Generally peaceful, pero mayroon pa rin magaganap na gulo sa ilang Hotspots . pero under control ito ng mga otoridad.

Press : Ang mga atat na maging pangulo ay sina Gordon , Escudero , Jamby, Loren, Villar , Roxas , Binay , Teodoro , Fernando , Kabayan , at yong tatlong kinausap daw ng Diyos - Padre Panlileo , Pastor Villanueva at El Shaddai Velarde , tanong - sinu-sino sa kanila ang nega na walang pag- asang manalong pangulo ?

Danny : More talk , more mistake, Less talk, less mistake, No talk , no mistake! Hiniram ko ang sinabing yan kay senador Genaro Magsaysay , Hindi naman political presscon ito kaya huwag ko na lang sagutin , pwede? At saka , ayokong magkaroon ng kaaway.

Press : Ano ang iyong pinaka- sensational na prediksyon?

Danny : Yong salakayin ng mga terorista ang New York city . 1998 ko sinabi ito at nailathala pa ni Aster Amoyo ang aking prediksyon . Walang naniwala sa aking sinabi, nguni't ng sumapit ang September 11, 2001 , pinasabog ng nga teroristang Muslim ang dalawang World Trade Centers sa New York.

Press : Nahulaan mo na si Cory Aquino ang magiging unang Presidenteng babae, nahulaan mo rin na ang susunod na Presidente noon sina Fidel Ramos at PGMA, Bakit ayaw mo hulaan kung sino ang mananalong Presidente sa susunod na taon?

Danny : Sa susunod na taon ko ibibigay ang aking prediksyon . Ilang linggo bago ganapin ang eleksyon sa 2010 .

Press : Danny bakit nawala ka ng matagal sa sirkulasyon?

Danny : Sa sirkulasyon ng showbiz lang ako nag lay-low , dahil concentrated ako sa pagiging psychic at pati na sa kaunting negosyo. Inalagaan ko rin ang nanay kong maysakit .

Press : Any showbiz predictions?

Danny : Papaimbulog ang career ni Marian Rivera, Titibay ang relasyon nya kay Dindong kung hindi paiiralin ang selos ng wala sa lugar. Magbabalik si Willie Revillame sa kanyang noon time show . May 3 young stars ang mabubuntis sa taong ito- 2 sa GMA at 1 sa ABS CBN. May 1 dating sikat na Direktor sa telebiyon ang magbabalik upang ipamalas ang kanyang kakaibang galing sa pag direk! May young actor na daranas ng fatal vehicular accident. May "J" ang pangalan. Kris Aquino - papasok sa pulitika .

No comments: