Thursday, April 15, 2010

Letter sender : Boy Astig


Letter sender : Boy Astig

Dear Kuya Danny,

Ang isasangguni ko po ay may kinalaman sa aking ka- live in na sobra ang hilig po sa pakikipag-talik . Halos nangangayayat na po ako sa walang sawa nyang pangungulit kapag gusto nyang makipag-talik. Okay lang po sana 'yun pero masyado na po siyang adventurous nitong kamakailan laman. Napapahiya na po ako sa sarili ko at sa ibang tao. Niyaya niya po ako sa sementeryo upang kami ay mag-niig sa ibabaw ng nitso. Exciting daw ito at kakaiba. Pumayag naman po ako sa gusto niya hanggang mahulog kami sa isang bukas na ataol na may bungo at kalansay. Minsan naman po ay doon daw kami sa gubat at doon kami nag-talik sa gilid ng mataas na puno isang hatinggabi. Nayugyog ang puno at nabagsakan kami ng pulot-pukyutan ng bubuyog. Namantal po ang aming katawan pati ang aking ari. . Niyaya nya rin po ako sa aming pugaran ng mga manok , nangati po ang aking katawan dahil pinutakti kami ng kuto ng manok . Nagpunta rin kami sa isang beach resort at nagtalik sa dalampasigan. Kabilugan ng buwan noon at nagpagulong -gulong kami ng di sinasadya sa tae ng kalabaw at aso. Ang baho po talaga. Ilan lamang po ito sa karanasang di ko malilimutan. Mahal ko po siya pero baka sa susunod na magkayayaan e baka kung ano ng trahedya ang mangyari. Pag payuhan nyo po ako sir Danny. Ano ang dapat kong gawain? Ako po ay 30 taong gulang at 24 naman sya.

Gumagalang,
Boy Astig


From Danny Cinco

Dear Boy,

Kakaiba talaga ang sex trip ng nobya mo. Malamang na kaya nya ito ginagawa ay upang maging exciting at memorable ang inyong pagtatalik. Napaka -creative at adventurous nga. Bagama't nag- eenjoy kayo pareho sa inyong pinag gagagawa ay hindi naman marapat na ilagay ninyo ang sarili sa bingit ng kapahamakan. at matinding kahihiyan. Sige ka baka ma -video kayo at kumalat 'yan sa 'x-tube' o sa 'you tube ng internet at makita kayo sa buong mundo. Ingat lang. Better practice self restraint. Sex is a river of fire that must be banked and cooled by a hundred and one restraints.

-Danny

No comments: