Thursday, April 15, 2010
Letter Sender ( Soleng )
LETTER SENDER ( SOLENG )
Dear Mr Cinco ,
Magandang araw po sa inyo. Feb. 3 , 1966 ang birthday ko . Soleng po ang pangalan ko , wala po akong natapos , mahirap lang po kami pero wala akong police record at hindi pa ako nakulong sa piitan. Wala po akong pinagkakakitaan ngayon . Sana po ay matulungan ninyo ako kahit wala pa akong pambayad sa hula. Ano po ang hanapbuhay na bagay sa akin? Ano po ang magiging kapalaran ko ?
Nagpapasalmat,
Soleng
Answer ; From Danny Cinco
Dear Soleng,
Feb , 3, 1966 – Year of the horse / element fire – Ikaw ay likas na masipag at matiyaga . Matiisin ka at hard working. Masinop ka rin sa iyong trabaho. Marami ka na rin napatunayan sa iyong sarili. Napatunayan mo na kaya mong tumayo sa sarili mong paa sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Madiskarte ka sa buhay at marami kang paraan upang kumita , siguraduhin mo lamang na ito ay sa mabuti at legal na paraan. Marunong kang makisama. Iwasan lamang ang mapikon at magalit.
Hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay at umasesenso . May isang “truck driver’ noong araw – hindi nawalan ng pag- asa pero yumaman at sumikat ng husto- Siya si Elvis Presley. May isang babaeng sekretarya lamang sa isang upisina – nakilala sa buong mundo- Marilyn Monroe , Si Helen Keller , Isa syang bulag pero sumikat din. May isang dating farmer o magsasaka, naging Presidente ng Amerika- Carter
Hindi rin sukatan ng tagumpay ang yaman. Nasa pagkatao o character .Marami dyan , mayaman nga , masama naman ang ugali, ung iba yumaman sa kurakot at pandaraya.
Sa ngayon ay pag -tyagaan mo muna ang ano mang trabaho na masusumpungan mo . Pwede kang pumasok bilang kasambahay o katulong. Ang pagiging yaya, tindera, labandera, manicurista , shampoo girl , manghihilot o masahista , at mananahi, ay mga mararangal na trabaho. Dumulog ka sa inyong barangay at baka matulungan ka o dili kaya sa inyong konsehal. Ingatan mo lang na hindi ka magkasakit sa baga at magkarayuma dahil na rin sa pabago bago ng panahon. “ Nasa Dyos ang awa, nasa tao ang gawa.
-Danny
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment