Thursday, April 15, 2010

Letter sender ( Victoria of Tokyo, Japan )

Letter sender ( Victoria of Tokyo, Japan )

Dear Danny,

Matagal na rin akong nagtratrabaho dito sa Japan . Awa ng Diyos ay maganda naman ang takbo ng buhay at nagosyo ko dito . Gusto ko lamang po isangguni sa inyo ang problema ko tungkol sa anak kong lalaki na 11 years old na. Pinapaniwala ko siya na ang asawa kong hapon ang kanyang tunay na ama. Ang totoo po ay iba po talaga ang nakabuntis sa akin sa kanya. Hanggang kailan ko mapaninindigan ang kasinungalingang ito. Dapat ko na ba ipagtapat ang katotohanan?
Tungkol sa negosyo naman , pwede po ba ako sa partnership na negosyo? May kaibigan po ako na gustong makipag- partner sa akin, at ang gusto niya naririto siya sa Pinas upang asikasuhin ang negosyo habang ako naman ay naririto sa Japan. Okay po ba ito?
Isa pa pong tanong- Makukuha ko ba ang kapatid ko sa Pinas upang dito na magtrabaho?
Nag mamahal,
Victoria

Answer ; From Danny Cinco

Dear Victoria,

Makabubuting ipagtapat o ipa alam mo na hangga’t maaga ang katotohanan tungkol sa mala- teleserye mong buhay . Matatalino na ang mga bata ngayon at nararamdaman ko na mauunawaan nya ito. Kung sa iba pa manggagaling ang katotohanang anak siya sa labas ay baka lamang sumama ang loob ng bata . One of the best ways to show love is by telling the truth. Tutal e, hindi ka naman nagkulang bilang mabuting ina sa kanya .
Hindi sumasang-ayon ang mga bituin tungkol sa partnership na ito. Manigurado ka sa pera. Mabuti kung lagi kayong magkasama. Sa partnership kailangan ng – respect, mutuality, good level of communication, transparency and trust. Mahirap maganap ito kung di kayo magkasamang madalas.
Sa huling tanong mo- yes, makukuha mo ang iyong kapatid . Paghandaan nya ito at may swerteng naghihintay duon. Saludo ang mga bituin sa kanyang paglalakbay! Pero teka, tinanong mo na ba ang kapatid mo kung talagang gusto niya dyan magtrabaho?

Psychic adviser.
Danny

No comments: